DUTERTE NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG EID’L ADHA

PRES DUTERTE

UMAASA  si Pangulong Rodrigo Duterte na magsilbing inspirasyon ang selebrasyon ng mga Muslim ng Eid’l Adha para sa pagkakaisa ng sambayanang Filipino na magkakaiba  man sa kultura at pananampalataya.

Sa kanyang mensahe, si­nabi ng Pangulo na kaisa siya sa  pagdiriwang ng mga kapatid na Muslim sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Sinabi ng Pangulo, sa nasabing okasyon, hindi lamang ginugunita ang kahanga-hangang pagiging masunurin ng isang mananampalataya sa kanyang Panginoon, kundi ipinagdiriwang din ang kahalagahan ng pananampalataya tungo sa makabuluhang pagbabago.

Hangad ng Pangulo na habang ginugunita ng mga Muslim sa buong mundo ang da­kilang sakripisyong ito, lalo pang lumakas ang determinas­yon at tapang ng mga tagasunod ng Islam sa pagharap sa mga hamong dara­ting bilang isang bayan.

“May this celebration bind us together in our common hope of building diverse communities that is rooted in mutual respect and peace,” anang Pangulo.

Comments are closed.