DUTERTE NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG EID’L ADHA

DUTERTE

NAKIISA  si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapatid nating Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of the Sacrifice.

Ayon kay Pangulong Duterte, isang mahalagang okasyon ang Eid’l Adha dahil nagsisilbi itong patunay ng hindi matatawarang pananampalataya ng ating mga kapatid na Muslim kay Allah.

Ipinaalala rin ng Pangulo na ang selebrasyong ito na kahit sa kabila ng mga kinakaharap na pagsubok sa buhay, may malaking halaga at may ipinahihiwatig ang ating mga ginagawang sakripisyo.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, kaisa siya sa pagsusulong ng kahalintulad na hangarin ng mga Muslim na makamit ang isang mapayapang lipunan at mapagtagumpayan ang alinmang hadlang sa paniniwala, kultura at politika.

Comments are closed.