NAKIISA kahapon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa paggunita sa ika-122 anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal.
Sa mensahe ng Pangulo, ang araw na ito ay tanda ng matagumpay na okasyon na sumasalamin sa pamana ng Pambansang Bayani na si Gat. Jose Rizal.
Ang matapang na buhay at inspirasyong ginawa ni Rizal ay naging instrumento para pukawin ang pinagsama-samang kamalayan upang pagyamanin ang mga Filipino at nagkakaisang lumaban sa mga taong mapang-api.
Inaalala rin umano ng sambayanan si Rizal bilang beacon of valor at simbolo ng pagkakaisa sa panahon ng kadiliman, kawalan ng katarungan at kaguluhan na umiiral sa bansa.
Maging sa kamatayan, ang magandang halimbawa ni Rizal ay magpapatuloy para hikayatin ang lahat habang isinusulong ang daan para tugunan ang mga sakit sa lipunan na hinaharap ngayon.
Hiling ng Pangulo na gamitin itong pagkakataon ng lahat upang dakilain si Rizal sa paghubog sa ka-saysayan bilang bansa.
Comments are closed.