LABIS na ikinalungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte at pakiramdam niya ay wala siyang silbi bunsod na rin ng mataas na crime rate sa bansa sa kabila ng pinaigting na kampanya ng kanyang administrasyon laban sa kriminalidad at ilegal na droga.
“If it’s like this, I’m useless,” wika ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ginanap na mass oath-taking ng mga newly-elected village captains ng Region IX na ginanap sa Zamboanga del Sur.
Binanggit nito ang naiulat sa report ng ABS-CBN ang pag-quote sa Social Weather Stations survey na umaabot sa 1.5 milyong pamilya ang naging biktima ng mga karaniwang krimen sa first quarter ng 2018.
“I will ask you to join me, let us resign,” hamon pa ng Pangulo sa mga incoming barangay officials.
Ayon sa Pangulo mistulang ipinagwawalang bahala lamang ng mga local official ang nangyayari sa kani-kanilang lugar.
Giit nito ay mahalagang suportahan at ipatupad ng mga local official ang mga programa at polisiya ng administrasyong Duterte upang maging matagumpay ang implementasyon nito.
“Whatever I have to enforce, you need to enforce as well. I’m up there and you are here and you go about nonchalant and it seems that you don’t care,” dagdag pa ng Pangulo.
“There is always the illegal logging. There is always the illegal drugs. The high rate of crime in your municipality,” giit pa niya.
Kaugnay into ay iminungkahi ng Pangulo kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na isailalim sa evaluation ang anti-criminality performances ng mga local chief executives sa buong bansa.
Nais ng Pangulong Duterte na malaman ang performance ng mga gobernador at mga alkalde kung paano nila ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa pagsugpo ng krimen sa kanilang nasasakupan.
Sinumang mapatutunayang nagpapabaya sa tungkulin ay haharap sa kaukulang kaso at posibleng masibak sa tungkulin kung mabigo na umaksiyon kontra kriminalidad at paglaganap ng droga. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.