DUTERTE NALUNGKOT SA PAGBIBITIW NI DUREZA

PRES-DUTERTE-7

KINUMPIRMA mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni Jesus Dureza bilang kalihim ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Inihayag ito ng Pa­ngulo  sa inagurasyon ng Bohol-Panglao International Airport (BPIA) dahil nadamay lang umano si Dureza sa isyu ng korupsiyon.

“I am very sad that I accepted the resignation of Secretary Dureza,” pahayag ni Duterte.

Hindi naman binanggit ni Duterte ang dahilan ng pagbibitiw ni Dureza.

Kasabay nito ay inihayag ng Pangulo ang pagsibak kina  OPAPP Undersecretary Ronald Flores at Asec. Yeshter Donn Baccay dahil sa katiwalian.

Si  Dureza ay isa sa mga pinakamalapit sa pangulo na miyembro ng kanyang gabinete at kababayan sa Davao City.

Sa kanya namang liham-pagbibitiw ay sinabi naman ni Dureza na  nalulungkot siya dahil sa kabila ng kanyang pagsisikap na sumunod sa matinding adbokasiya ng Pangulo laban sa korupsiyon ay nabigo ito.

“I truly am sad that OPAPP, as an institution which I head, had to suffer publicly due to the acts of a few.

Nonetheless, I take full responsibility and apologise for all this. I am voluntarily tendering my resignation to pave the way for the needed reorganization that Your Excellency may wish to undertake at OPAPP,” ang nakasaad sa liham ni Dureza.

GEN GALVEZ SA OPAPP OK KAY SEC LORENZANA

AGAD na nagpaha­yag ng kanilang pangamba ang liderato ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army at ang kanilang political arm na National Democratic Front of the Philippines sa posibleng militarisasyon sa hanay ng OPAPP kasunod ng pagbibitiw ni Sec. Jesus Dureza.

Una nang lumutang ang posibleng paghalili ni outgoing Armed Forces chief of Staff Gen Carlito Galvez Jr.  na magreretiro sa darating na Disyembre, sa nabakanteng puwesto ni Dureza.

“Bago ‘yan, ah. I have not heard that. But if true I would strongly endorse him,” pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Kaugnay nito sinabi ni Lorenzana na kaibigan niyang matalik si Dureza. “He is a friend from the way back in the mid 80s. We worked beautifully with each other. He showed high professionalism by taking the fall for the mistakes of his people. In the military we call this command responsibility Truly an admirable trait of a great leader and patriot.” VERLIN RUIZ (May dagdag na ulat mula sa CNN Philippines)

Comments are closed.