NAGLABAS na ng 1st quarter 2021 survey ang lobbying and campaigns management firm na Publicus Asia tungkol sa approval at trust ratings ng limang pinakamatataas na opisyal ng pamahalaan na isinagawa noong March 20-29, 2021 at nilahukan ng 1,500 respondents mula sa iba’t ibang dako ng bansa.
At tulad ng inaasahan, si Pangulong Rodrigo Duterte na naman ang nanguna sa parehong survey na may 64.8% approval at 55% trust rating. Pumangalawa si Senate President Tito Sotto na may 40.9 % approval at 24.6% trust rating. Nasa ikatlong puwesto si Vice President Leni Robredo na may 29.1 % approval at 18.6% trust rating. Pang-apat sa parehong survey ang retiradong Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na may 28.4% approval at 15% trust rating. Nasa huling puwesto naman ang lider ng Kamara na si Speaker Lord Allan Velasco na may 25.4% approval at 14.5 % trust rating.
Anyare? Bakit bumagsak nang husto ang rating ng lider ng Kamara? Aba’y kung matatandaaan ninyo, karaniwag nasa huling puwesto sa mga approval at trust rating survey ang chief justice ng Korte Suprema. Pero tila nabaligtad na ang sitwasyon sa ngayon dahil pangalawang beses nang nangulelat si Velasco sa survey ng Publicus Asia. Kulelat din siya noong December 3 – 9, 2020 survey ng Publicus Asia dalawang buwan matapos maupo bilang lider ng Kamara. Sa totoo lang, bumaba ang trust at approval rating ng Pangulo at nina Sotto, Robredo, at Velasco kumpara sa nakuha nilang rating noong December 3 – 9 survey kung saan nakuha ni Digong ang 69.8% approval at 62.3% trust rating. Nakuha naman ni Sotto ang 49.9% approval at 30.0% trust rating, si Robredo ay may 34.6% approval at 23.2% trust rating, at si Peralta ay nakakuha ng 30.7% approval at 18.5% trust rating. Samantalang 29.7% approval at 18.1% trust rating naman ang nakuha ni Velasco sa naturang survey.
Nagkatotoo ang sinabi noon ni Anak Kalusugan Partylist Cong. Mike Defensor na lalagapak nang matindi ang trust at approval rating ng Kamara at ni Velasco. May kinalaman ba sa mababang rating ni Velasco ang mga hakbang na ginawa nito mula nang maupo bilang Speaker of the House? Inuna ng liderato ng Kamara ang tanggalan at rigodon ng mga deputy speakers at chairmanships ng mga komite.
Masyadong napulitika ang palitan ng speakership dahil karamihan sa mga bagong opisyal ay mga kakampi na ni Velasco at tinanggal sa puwesto ang mga kaalyado ni dating House Speaker Alan Cayetano.
Nakalulungkot isipin na ganito ang sinapit ng Kamara kaya hintayin natin ang magiging survey rating ng Kamara de Representates bilang institusyon ng gobyerno. Kung tutuusin, hindi lang naman ngayon mababa ang rating ng lider ng Kamara. ‘Di naman maitatanggi na sa panahon ng panunungkulan ni Cayetano bilang speaker ay tumaas nang husto ang trust at approval rating ng Kamara at ng lider nito. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ay naitala ng Kamara ang pinakamataas na survey rating bilang house of the people sa ilalim ng liderato ni Cayetano.
Matatandaan na nakuha ni Cayetano ang performance rating na 64% noong Sept.2019 at 80 % na performance rating naman noong December 2019 sa survey na isinagawa nationwide ng Pulse Asia. Sa naturan ding survey ay nakuha ni Cayetano ang 62 % trust rating noong September 2019 at 72% trust rating noong December 2019.
Pumangalawa naman si Cayetano kay Pangulong Duterte sa survey na isinagawa ng Publicu Asia sa Visayas at Mindanao noong December 2019 kung saan nakakuha ng 32.25% na approval rating at 49.1% na trust rating.
Sana naman sa nangyayari ngayon sa bansa ay maisipan na ng Kongreso na unahin ang pagtalakay sa mga mahalagang panukalang batas lalo na sa hinaharap ng bansa ngayon na problema sa COVID-19.
Malay natin baka sakaling tumaas ang rating ng Kamara at ng lider nito sa susunod na mga pagkakataon kung uunahin nilang aksiyunan ang pangangailangan ng taong bayan. Siya nawa.
895173 416081Thanks for all your efforts that you have put in this. quite intriguing info . 440145
220696 549084Great task! 620084
28568 500013I dont agree with this certain write-up. Nonetheless, I did researched in Google and Ive discovered out that you are correct and I had been thinking in the incorrect way. Continue producing quality material similar to this. 462924
76831 544948extremely nice post, i actually enjoy this internet website, carry on it 766203
140297 682114So, is this just for men, just for females, or is it for both sexes If it s not, then do women need to do anything different to put on muscle 963940
119487 779084Thank you for your very good data and feedback from you. car dealers in san jose 902972
283472 67722Fantastic post even so , I was wanting to know in the event you could write a litte a lot more on this subject? Id be really thankful if you could elaborate a bit bit further. Bless you! 437131