PINAG-IINGAT ng isang eksperto mula sa Unibersidad ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpabakuna ng anti-coronavirus disease vaccine na kasalukuyang dine-develop ng China.
Sa ginanap na press briefing kahapon ay sinabi ni Dr. Lulu Bravo, Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination at Professor Emeritus sa College of Medicine-UP-Manila na sa nagdaang mga taon ay hindi pa aniya nagkaroon ang Filipinas ng ginagamit na bakuna na galing ng China.
“Wala pa akong masyadong nakitang bakuna na ginamit dito sa Pilipinas (sic) in the last so
many years na galing sa China. Karamihan galing sa Amerika, Europa at maski sa India ginamit natin,” pahayag ni Bravo.
“But from China, to be honest, i want too see that they have good studies before we can say that the vaccine is safe to be given to the President. We have to make sure our President be in good health,” sabi pa ni Bravo.
Ang pahayag ay ginawa ni Bravo nang tanungin ni Presidential Spokesman Harry Roque sa naging pahayag ng Pangulong Duterte na hindi na siya makahintay ng Abril sa susunod na taon para mabigyan ng COVID-19 vaccine.
“Well, the thing is we should rely on the scientific data that will be produced. I’m not saying that the Chinese vaccine is bad. What I’m saying is until such time that we can and the experts will be able to really check if it’s really good,” giit pa ni Bravo.
Pinaliwanag pa ni Bravo na sa kaso ng US at European companies tulad ng Pfizer at Moderna ay napaka- transparent sa kanilang isinasagawang pag-aaral. “We need to be transparent,” sabi ni Bravo.
Sinabi pa ni Bravo na bago pa man magamit ang anumang vaccine na galing sa ibang bansa ay mahalagang aprobahan muna ito ng Philippine Food and Drug Administration.
“Before it becomes available, and can be used in the Philippines, our own FDA must check all the details. It did not mean that clinical trial should also be undertaken first in the country before such vaccine could be made available in local market,” dagdag pa ni Bravo.
Nagpaalala rin si Bravo na kahit pa mayroon nang COVID-19 vaccine ay mahalaga pa rin aniyang ipatupad ang mga minimum heath protocols tulad ng pagsusuot ng face masks, madalas na paghuhugas ng kamay at physical distancing. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.