PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Miyerkoles, Agosto 21, ang pagpapasinaya sa una at pinakamalaking hybrid solar-diesel microgrid na may battery facility sa bansa na matatagpuan sa Tablas Island, Romblon.
Pag-aari at pinatatakbo ng Suweco Tablas Energy Corp. (STEC), ang P550-million Tumingad Solar Power Plant ay may kakayahang magprodyus ng 7.5 MWp (megawatt peak) ng koryente – sapat para mag-supply sa daytime power requirements ng 43,400 kabahayan sa isla. Tuwing cloudy weather, ang sobrang solar power na inimbak sa mga baterya ng planta ang magsusuplay ng enerhiya, habang ang diesel generators ay magpoprodyus ng koryente sa gabi.
Nakatakdang simulan ng STEC ang commercial operations sa Setyembre. Ayon sa kompanya, ang kanilang power plant ay inaasahang makatitipid ng may tatlong milyong litro ng fossil fuel at makababawas ng carbon emissions ng 6.5 million kilograms kada taon.
“An estimated P180 million per year will be saved from the government subsidy for universal charge for missionary electrification,” ayon sa STEC.
Matatagpuan sa isang 9-hectare property sa Tablas, ang solar facility ng STEC ay magkakaloob ng ‘clean, green at reliable energy’ sa buong isla.
Ang inagurasyon ng power plant ay isinagawa kasunod ng panawagan ni Presidente Duterte sa Department of Energy (DOE) na pabilsin ang paglinang sa renewable energy resources upang mabawasan ang pagdepende ng bansa sa traditional energy sources tulad ng coal.
“We recognize the urgent need to ensure the sustainability and availability of resources and the development of alternative ones. In this regard, I trust that Secretary Cusi shall fast-track the development of renewable energy sources, and reduce dependence on the traditional energy sources such as coal,” anang Pangulo sa kanyang State of the Nation Address noong nakaraang Hulyo.
Sa Tablas pa lamang ay may 43,400 kabahayan ang nakararanas ng power outages araw-araw dahil sa limitadong suplay mula sa Small Power Utilities Group ng state-owned National Power Corp. Ang SPUG areas ay yaong mga hindi konektado sa national grid at umaasa sa diesel-power sets.
Ang STEC ay isang wholly-owned subsidiary ng Sunwest Water and Electric Co., Inc. (SUWECO), isang major power player sa Catanduanes, Sorsogon, Romblon at Antique na nag-o-operate sa ilang mini-hydro at diesel power plants. Ang kompanya ay miyembro ng Sunwest Group of Companies, isang business conglomerate na itinatag ni Zaldy Co, isang Legazpi-based entrepreneur at businessman na kinatawan ngayon ng Ako Bicol party-list.
Comments are closed.