PINURI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nangungunang pre-need company na Eternal Plans dahil sa patuloy na pagsisikap nito upang ipagkaloob ang pangangailangan sa kinabukasan ng mga Filipino sa memorial life, education at pension plans.
Sa kanyang mensahe para sa Eternal Plans sa anibersaryo nito noong Marso 4, pinuri ng Pangulo ang kompanya sa dedikasyon nito sa pagbibigay ng mapagkakatiwalaang pre-need products sa mga tao. “Your efforts to take care of our people’s future needs through easily accessible terms are noteworthy.”
He expressed confidence that Eternal Plans, its management, officers and staff, will rekindle their commitment to “be responsive to the needs of your plan holders and customers” and “always conduct yourselves with the highest level of professionalism and integrity.”
Ang tema ng kompanya sa pagdiriwang nito ay “Paramihin, Palawakin, Panalo!”
Itinatag ni Ambassador Antonio L. Cabangon Chua ang Eternal Plans noong 1981, na sa simula ay para lamang sa memorial life plan na karagdagan sa negosyong memorial lot ng sister company na Eternal Gardens, Eternal Plans, ito na ngayon ang isa sa natatanging tatlong pre-need companies na lisensiyadong nag-aalok ng life, pension at education plans.
Comments are closed.