DUTERTE PIPIRMAHAN ANG ORDER SA MAXIMUM PRICES NG GAMOT

GAMOT

NANGAKO si President Rodrigo Duterte sa mga Filipino na pi­pirmahan niya ang executive order na nagtatalaga sa limit ng presyo sa ilang klase ng gamot.

Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Duterte na pipirmahan niya ang measure “twice over” because it is “good for the Filipino.”

“I will sign it. That’s good for the Filipino, reduced prices or maintaining a price. I will even sign the document twice over,” sabi niya.

Nagpanukala ang Department of Health na i-regulate ang presyo ng mahigit 120 na klase ng gamot na ginagamit para sa ilang sakit at health conditions sa bansa.

Ang mga nasabing gamit ay para sa health conditions tulad ng hypertension, diabetes, cardiovascular disease, chronic lung diseases, neonatal diseases or those affecting newborn babies, a major cancers.

Pero sinabi ni Presidente na wala pa sa mesa niya ang draft executive order.

“Wala pa, maybe they are reviewing it. Kapag nasa table ko, sa gabi, binabasa ko. I have not come across any, I heard of it but hard facts are not yet there. But in principle, I will even sign it twice over,” sabi niya.

Comments are closed.