BOCAUE, Bulacan – Pinangunahan ni Presidente Rodrigo Duterte ang pinakaaabangang pagbubukas ng 30th edition ng Southeast Asian (SEA) Games kagabi sa 50,000-seat Philippine Arena dito.
Ang Philippine Arena ay punum-puno ng spectators mula sa 11 kalahok na bansa.
Ang formal opening ay tinampukan ng performance na nagpakita ng kagandahan ng nagkakaisang Filipinas at ng mayamang kultura ng bansa.
Sinaksihan ng mga manonood ang pagparada ng 8,750 atleta mula sa Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Thailand, Timor Leste, Singapore, at Vietnam.
Ang opening rites ay tinampukan din ng magkasabay na pagsindi ng cauldron nina Filipino boxing champions Emmanuel Pacquiao at Nesthy Petecio sa New Clark City.
Ito ang ika-4 na pagkakataon na iho-host ng bansa ang SEA Games. Ang una ay noong 1981, na sinundan noong 1991 at 2005.
May kabuuang 19,767 police officers at government personnel ang idineploy upang masiguro ang maayos na hosting ng bansa sa prestihiyosong sports event.
May kabuuang 530 gold medals ang nakataya sa 56 sports sa regional sports meet.
Comments are closed.