INAASAHANG sa hometown nito sa Davao City gugugulin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Holy Week.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Martin Andanar, katulad ito ng nakagawian ng Pangulo kung saan nananatili lamang ito sa loob ng kaniyang tahanan.
Noong Holy Week ng nakaraang taon, unang sinabi ni Pangulong Duterte sa mensahe nito na sana ay makarekober na ang bansa sa COVID-19 pandemic.
Idineklarang regular holiday ang Abril 14 (Maundy Thursday) at Abril 15 (Good Friday), habang special non-working holiday ang Abril 16 (Black Saturday).