INATASAN ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga ahensiya ng pamahalaan na padaliin ang pagproseso ng mga permit para sa flagship infrastructure projects sa water security para matiyak ang sapat na suplay.
Nilagdaan ng Pangulo noong Miyerkoles ang Administrative Order No. 32 na nag-aatas sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na bigyang prayoridad ang pagrepaso at pag-apruba sa infrastructure projects na may kinalaman sa water supply.
Sa direktiba ng Pangulo, ang aplikasyon para sa permits, clearances, at authorization na isinumite na may kumpletong require-ments ay ipinalalagay na aprubado kapag nabigo ang ahensiya ng gobyerno na aksiyunan ito sa loob ng itinakdang panahon.
“There is a need for the national government to pursue institutional reforms such as streamlining processes of concerned agen-cies to encourage and guide investments in water supply, sewerage and sanitation, and expedite the approval and processing of in-frastructure flagship projects on water security, while respecting property rights and protecting public safety and the environment,” sabi ni Duterte sa kanyang direktiba.
Ayon sa Pangulo, dahil sa burukrasya ay labis na naaantala ang infrastructure projects sa water security.
Inatasan din niya ang Anti-Red Tape Authority na pangasiwaan ang pagproseso sa local permits at barangay clearances kaugnay sa in infrastructure projects sa water supply.
Comments are closed.