DUTERTE SA KONGRESO: WAKASAN NA ANG ‘ENDO’

SONA-2018

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas na magpasa ng batas na tuluyang tatapos sa ilegal na contractualization o ‘endo’.

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Presidente Duterte na bagama’t inatasan ng pamahalaan ang mga kompanya na ga­wing regular ang kanilang mga manggagawa, kabilang ang  300 nitong buwan, naiintindihan, aniya, niya na hindi nito nabibigyang  kasiyahan ang lahat ng sektor.

“I am asking Congress to pass legislation ending the practice of contractualization once and for all,” anang Pangulo.

“As I would like to do the impossible, that power is not vested upon me by the Constitution and neither will I make both ends meet even if I violate the laws to achieve that purpose. It’s not part of my territory,” dagdag pa niya.

PAGPASA NG ‘EASE OF DOING BUSINESS’ LAW PINURI

KASUNOD ng pagtiyak na gagawin niya ang lahat para maging epektibo at maayos ang pagkakaloob ng serbisyo ng pamahalaan kasama na ang pagsugpo sa katiwalian, pinuri ni Pangulong Duterte ang lehislatura sa mabilis nitong aksiyon para maaprubahan ang Republic Act 11032 o ang ‘Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act.’

Ayon sa Pangulo, habang hinahabol ng kanyang administrasyon ang mga sangkot sa katiwalian ay pinaiigting din ang pag­hahatid sa taumbayan ng  mga pangunahing serbisyo.

“I thank Congress, for the swift passage of the Ease of Doing Business which is significant in fight against corruption and improving service of delivery,” dugtong ng Pangulo.

Inatasan ng Punong Eheku­tibo ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na matapat na sundin ang itinatakda ng naturang batas at gawing simple ang ­proseso sa kani-kanilang tanggapan.

“I hereby direct all government units, makinig sana kayo, and all government agencies to faithfully implement this law and simplify the process. Hinihingi ko po iyan sa lahat ng sa gob­yerno under my control and supervision, huwag ho kayong magkamali.” pagbibigay-diin pa niya.

“Make your services truly customer friendly, our people deserve efficient, effective and responsive government services, they deserve nothing less,” paalala pa ni President Duterte.

Nauna rito, sinabi ng liderato ng Kamara, sa pangunguna ni  Davao City Rep. Karlo Nograles, chairman ng House appropriations committee at naging ­miyembro ng bicam na tumalakay sa naturang batas, na pangunahing layunin ng ‘Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018’ na mapalakas ang investment sa bansa at makapagbigay ng maraming trabaho at mapagkakakitaan sa taumbayan.

“Nothing attracts foreign investors to a country like having the government’s assurance that the processing and release of licenses and permits would be fast, hassle-free, and efficient. Even local businesses are bound to thrive with this proposed new law in place,” aniya.

“In a lot of ways, the spirit of the measure reflects the culture of efficiency that President Duterte promoted when he was still Davao City mayor. He has repeatedly declared that it’s his pet peeve to see people standing in long queues, so it makes sense that he would want the same level of efficiency in all levels of governance in the country,” dagdag pa ni Nograles.

Sa panig ng overseas Filipino workers, kinilala at pinasalamatan ng Pangulo ang mala­king kontribusyon ng mga ito sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng kanilang dollar remittances.

“We admire our Filipino migrant workers for their selflessness and courage in enduring the hardship of living away from home to provide for their families. You epitomized the innate resilience of the nation. You have shown your willingness to toil and sacrifice day in and day out for the long term good of your family, love ones. You have also contributed greatly to the national economy, even as you help in small and big ways to the economy of your international partners.” pahayag ng pangulo.

Kaya naman umano ganoon na lamang ang kanyang galit kapag nababalitang may mga OFW na nagiging biktima ng hindi magandang pagtrato o pang-aabuso sa kamay ng kanilang employer.

Tiniyak ni Presidente ­Duterte na mahigpit na tututukan ng pamahalaan ang mga programa at polisiya na magsusulong ng kapakanan at kabutihan ng OFWs at matitiyak ding masusunod ang kanilang mga karapatan.

Samantala, ipinunto ni Presidente Duterte na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat para masigurong magiging mabuti ang kalagayan at pamumuhay ng bawat Filipino sa pamamagitan ng magandang serbisyo at paglalaan ng sapat na pondo para sa pangangailangan ng lahat, kabilang na ang may kinalaman sa serbisyong medical at iba pang social services. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.