INATASAN ni President Rodrigo Duterte ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at local government units (LGUs) na sumunod sa national zoning plan para sa African swine fever, na layon na kontrolin ang pagkalat ng nakamamatay na sakit ng baboy.
Binigyang-diin ni Duterte sa Administrative Order No. 22, ang pangangailangan na sumunod sa zoning plan na kasama sa Department of Agricul-ture’s Administrative Circular No. 12 na pigilan ang pagkalat ng sakit ng baboy.
“There is an urgent need to ensure consistent implementation and compliance with DA Administrative Circular No. 12 to more effectively control the ASF virus towards its complete eradication,” pahayag ng Pangulo sa order na pinirmahan noong Pebrero 5 pero isinapubliko lamang noong Biyernes.
Nag-isyu ang DA ng zoning plan noong Disyembre 2019 bilang isa sa mga pangunang hakbangin para mawala ang ASF, na tumama sa hog farms karamihan sa Luzon.
SA ilalim ng agriculture department’s circular, magtatayo ng mga sona sa buong bansa para mapangalagaan ang mga lugar na hindi apektado ng sakit ng baboy at limitahan ang pagkalat ng mga nasa kompirmadong kaso ng ASF.
Para masiguro ang pagsunod, inatasan ni Duterte ang DA, Department of Trade and Industry, at ang Department of the Interior and Local Govern-ment para i-monitor ang pagtalima sa zoning plan.
Kinumpirma ng Pilipinas ang unang kaso ng ASF noong Setyembre 2019, na agad nagpa-ban ng meat products mula sa mga bansa kung saan ang sakit ng baboy ay nauna nang nai-report.
Ang outbreak ay unang nakumpirma sa hog farms sa Luzon, kung saan libo-libong baboy ang ihiniwalay at pinatay para hindi na kumalat ang sakit.
Noong Nobyembre, sinabi ng agriculture department na ang local outbreak ay sanhi ng smuggled pork products mula sa China.
Kamakailan, ang sakit ng baboy ay nakumpirma nakarating na sa Mindanao.
Comments are closed.