INATASAN kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na durugin ang Communist Party of the Philippines (CPP).
Ito ang naging pahayag ng Pangulo sa harap ng mga sundalo ng 10th Infantry Division sa Compostela Valley kasabay ng paniniguro nito na aakuin niya ang lahat ng responsibilidad gayundin ang pagsasampa ng kasong human rights violation.
“You have to destroy them. Destroy them, wala namang maniwala na human rights. I assume full responsibility. Kita niyo, ako lang dinedemanda ng mga g***,” diin ni Duterte.
“We do not subscribe to their ceasefire. Do not fight them, destroy them, kill them. Basta destroy them. Sino nag-utos? Ako po. Magyabang tayo minsan. Si five-star lang,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ng Pangulo na kapag napatunayang nagkasala, agad itong magpapakulong.
“The presidency is a gift from God. Kilala naman ninyo ako. My gift to you, Filipinos, my freedom. ‘Pag ako ang sinabing may kasalanan, aminin ko lahat ‘yan at ako ay makulong. OK lang. It will be an honor to go to prison for the Philippines,” giit ni Duterte.
Matatandaang ilang reklamo ang kinakaharap ng Pangulo sa the International Criminal Court dahil sa war on drug nito at ang umano’y papel nito sa death-squad killings sa Davao City noong Mayor pa ito sa loob ng mahigit dalawang dekada.
Gayundin, binanatan din ni Duterte si CPP founding chairman Jose Ma. Sison.
“We will go back to a sort of a ‘hamletting.’ That idea was intended for them, na habang sana may usap, d’yan sila sa hamletting, we will feed them, I will pay for the billeting of their leaders habang nag-uusap,” anang Pangulo.
“Sixty days would be good, itong mga bakla, p*****-***. Itong si Sison akala mo gwapo. Hindi na nahiya sa sarili niya. Sabi ko, makita ko ‘yan d’yan sa airport, sampalin ko ‘yan p*****-*** na ‘yan. Kala mo sino,” diin pa nito.
Kaya’t iniutos ni Duterte ang pagbuo ng national task force na siyang pupuksa sa armed conflict laban sa mga rebeldeng komunista.
Batid naman na laging nalalagay sa alanganin ang peace negotiations sa pagitan ng pamahalan at ng CPP sa ilalim ng administrasyong Duterte na kung saan na dapat ay natuloy na ito noong nakaraang Hunyo subalit kinansela dahil sa naging himayin at repasuhin ng gobyerno ang pinasok na kasunduan ng mga nakaraang administrasyon sa mga komunista.
Comments are closed.