(Duterte sa sambayanan) BONG GO IPUWESTO SA SENADO

duterte

“WE need a person like him. Mahirap hanapin ang dedication, ‘yung talagang in-love sa trabaho,” pahayag ni Pangulong

Rodrigo Duterte patungkol kay dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kasabayng muling panawagan sa taumbayan na iluklok ang kandida tong senador na tunay na may malasakit sa bayan katulad ni Kuya Bong.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag nitong Huwebes ng gabi sa selebrasyon ng kaarawan ni dating Presidential Adviser for Political Affairs Francis Tolentino sa Tagaytay.

Iginiit ng Chief Executive sa sambayanan na pumili ng mga kandidatong senador sa darating na halalan na may “extraordinary credentials” at may napatunayan na sa pagli­lingkod sa bayan.

Tinukoy ng Pangulo sina Tolentino at dating Philippine National Police chief Ronald “Bato” dela Rosa, pangunahin na si Go.

“And another one, itong si Bong Go,” ani Duterte na nagsabing gaya ni Tolentino, si Go ay may angkan din sa Batangas.

Ayon sa Pangulo, ang ama ni Go ay isa  sa naunang Chinese settlers sa Davao subalit ang kanyang ina ay kabilang sa angkan ng mga Tesoro ng Batangas.

Walang ibang nakaaalam sa tunay na dedikasyon ni Kuya Bong sa pagtatrabaho kundi ang Presidente mismo.

Nagsimula sa public service si Go bilang personal aide at executive assistant  ng noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ang kanyang lolo na si August Tesoro ang nag­rekomenda sa kanya kay Duterte upang makatulong nang mamayapa ang da­ting aide ng noo’y alkalde na si  Jimboy Halili habang nanonood ng basketball game.

Sa maraming taon, si Kuya Bong ang gumagawa ng mga personal at opisyal na bagay para kay Duterte simula sa pagkaalkalde hanggang sa maging Pa­ngulo ng bansa.

Ipinagmamalaki ng Chief Executive si Go bilang taong tapat at tunay na may dedikasyon sa pagseserbisyo.

Higit sa lahat anang Pangulo, handang-handa na at akmang-akma si Go para maging mahusay na mambabatas dahil siya ay may mataas na pinag-aralan.

Nakapagtapos ng kurso sa De La Salle University, si Go ay may malawak nang karanasan sa management at government service.

“Sayang ang boto n’yo na ibibigay niyo lang sa iba,” ayon kay Duterte.

“Please do not forget him. He’s good,” ang pakiusap ng Pangulo sa kandidatura ni Go.

Sa kanya namang pahayag, sinabi ni Go na nais niyang patuloy na suportahan ang programa at inis­yatiba ng Pangulo kapag naupo na sa Senado, kabilang na ang war against illegal drugs, crime at corruption.

“Wala kaming ibang interes ni Pangulong Duterte, ang hangarin lang namin ay tumulong para sa kabutihan ng bawat Filipino,” idiniin ni Go.

Comments are closed.