NAGPAABOT si Pangulong Rodrigo Duterte ng good luck wish sa mga atletang Pinoy na sasabak sa 30th Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
“I wish them all the luck and my fervent prayers go with them,” pahayag ng Pangulo.
May 10,000 Filipino athletes ang lalahok sa biennial meet na idaraos sa iba’t ibang venues sa Luzon.
Sa mahigit sa 500 sporting events sa SEA Games, may 200 ang gaganapin sa New Clark City sa Tarlac.
Samantala, nangako ang Malacañang ng isang ‘nakalulugod, produktibo at hindi malilimutang’ SEA Games kasabay ng paghingi ng paumanhin sa neighboring countries nito kaugnay sa transportation at hotel issues para sa ASEAN athletes na darating sa Manila.
“We can no longer undo what has been done. The Office of the President will not offer any excuses. As host country, we apologize for the unintentional inconvenience suffered by our athlete-guests,” wika ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
“We are not promising that the Games will run without a hitch, given the countless athletes who will participate and represent their respective countries, but we will exercise due diligence in making sure everyone will have a pleasant, productive and memorable stay in the Philippines.”
Nauna na ring humingi ng paumahin ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) sa football teams ng Myanmar, Cambodia, at Timor-Leste na pawang nagreklamo sa matagal nilang paghihintay sa airport, kung saan ang huli ay unang dinala sa maling hotel.
Nagreklamo naman ang Thailand football team sa accreditation at accommodation issues, at sinabing hindi sila nakapagpraktis dahil masyadong malayo ang venue sa kanilang hotel.