SA kanyang talumpati sa proclamation rally Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Puerto Princesa City, Palawan muling ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga katangian ng pangunahing pambato at presidente ng PDP-Laban na si reeleksiyonistang Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na sinaluduhan niya.
“Koko Pimentel, Bar topnotcher, Mr. Public Service at may prinsiyo na tao. ‘Yan lang, saludo na ako,” sabi ng Pangulo sa paglalarawan kay Pimentel.
Hinggil sa PDP-Laban, idiniin ni Duterte: “Talking back kay Pimentel, ako ‘pag wala kang prinsipyo, wala ka talaga sa akin. Ako, sabi ko sa inyo, when I won the mayorship in 1988, sinabi ko sa mga tao, the party that I am with now will be my party when I make my exit. Isa lang ako. All those years, isa lang ako.”
Nauna rito, sa PDP-Laban rally sa San Jose del Monte City sa Bulacan na dinaluhan ng mahigit 30,000 tagasuporta, ipinagma-laki ni Duterte sa kanyang pag-endorso kay Pimentel ang mga katangian nito.
“Bar topnotcher ito e. Mahusay. Honest. Lahat nakuha niya,” sabi ni Duterte tungkol kay Pimentel na inilarawan niyang “a wor-thy son of a great father” mula sa Mindanao patungkol kay dating senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr., na dating pangulo ng Se-nado at unang nahalal na senador noong 1987, nagsilbing kalihim ng Interior and Local Government at naging alkalde ng Cagayan De Oro City.
“I am honored and grateful for the endorsement of the President. His support for PDP-Laban’s candidates is a tremendous boost in what is going to be a very competitive senatorial race,” ani Pimentel na abogado rin tulad ng kanyang ama, nagtapos ng abogasya noong 1990 sa University of the Philippines na kalaunan ay nanguna sa Bar Exams at nagtapos din ng BS Mathematics degree sa Ateneo de Manila University.
Nang pangunahan ni Pimentel ang Senado, tiniyak niyang makapapasa ang mga pangako ni Duterte sa kampanya tulad ng free college education (RA 10931), free Irrigation (RA 10969), lower personal income tax (RA 10963), the increase in the base pay of PNP at AFP (Jt. Reso. 1, s. 2018), Anti-Red Tape (RA 11032), 10-year Passport Validity (RA 10928), and 5-year Driver’s Li-cense Validity (RA 10930).
Bukod kay Pimentel, inendorso rin ni Duterte ang pang PDP Laban senatorial candidates na sina Rep. Zajid “Dong” Mangudadatu, General Ronald Bato dela Rosa, SAP Christopher Bong Go, at Secretary Francis Tolentino.
Comments are closed.