TATAKBO si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-senador para sa halalan sa May 2022.
Sa huling araw ng substitution, naghain ng certificate of candidacy (COC) ang Pangulo sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila sa pamamagitan ng kaniyang legal representative na si Atty. Melchor Aranas.
Kasunod ito ng pag-withdraw ni Liezl Visorde mula sa Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) ng kaniyang kandidatura sa pagka-senador.
Matatandaang kamakailan lamang nagpahapyaw ang Pangulo na tatakbo siya bilang bise presidente.