DUTERTE SASALUBONG SA BALANGIGA BELLS

balangiga bells

TINIYAK kahapon ng Malakanyang na dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa hand­over  o seremonya sa pag-sasalin  ng  Balangiga bells sa Samar sa darating na Sabado, Disyembre 15.

Paglilinaw ito ni Pre­sidential spokesperson Salvador Panelo  kaugnay sa ulat na hindi pagdalo ng Pangulo para pangunahan ang pag-uwi sa  mga kampana na 117 taong  nasa  Amerika at Korea matapos tangayin ng mga sundalong Amerikano.

“The President will instead be in Samar on December 15, Saturday, to turn over the bells to Balangiga officials. I hope this clarifies the matter,” ayon kay Sec. Panelo.

Sinabi pa niya na inirekomenda ni Secretary of National Defense Delfin N. Lorenzana na sa Samar na lamang dumalo ang Pangulo sa halip na sa Villamor Air Base.

Ayon pa kay Panelo, dahil pupunta na ang Pa­ngulo sa bayan ng Balangiga sa Samar ay hindi na ito sasalubong sa Villamor Air Base sa  Pasay.

Wala namang pahayag si Sec. Lorenzana kung bakit mas pinili ng Pangulo ang Samar kaysa sa Villamor Air Base  sa pagsalubong sa mga pagsasauli sa mga kampana.  E QUIROZ

Comments are closed.