BINIGYAN ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) para makapagbigay ng rekomendasyon kaugnay sa Security of Tenure bill.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mayroon silang hanggang Lunes para pag-aralan ang lahat ng mga probisyon ng panukala bago ito ilatag sa Pangulo.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Bello na ang pag-veto ng Pangulo sa Security of Tenure bill ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod nito sa pangakong wakasan ang contractualization sa bansa.
Aniya, nais lamang makatiyak ng Pangulo na ang maipapasang batas ay tunay na magiging kapaki-pakinabang at papabor sa mga manggagawa habang binibigyan naman ng konsiderasyon ang mga em-ployer.
Anang kalihim, ito rin ang dahilan kung kaya nagpatawag ng LEDC meeting ang Pangulo para hindi na maulit ang pangyayari sa pag-veto sa isang panukala. DWIZ 882
Comments are closed.