(Duterte umapela sa CPP) BAKUNA HUWAG GALAWIN

Duterte

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines (CPP) na huwag galawin ang pamamahagi ng bakuna kontra coronavirus disease 19 oras na ito ay dalhin na sa iba’t-ibang lalawigan.

Sinabi ng Pangulo na dapat na sumunod ang CPP sa “rules of humanity.”

“I am appealing to the Communist Party of the Philippines, ‘yung pinaka-umbrella. I don’t consider ‘yung mga NDF-NDF pati NPA. Iyong the Communist Party of the Philippines must guarantee that the vaccines in the course of their being con — being transported to areas where [there] are no city health officers or medical persons na huwag ninyong galawin ang medisina,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi nito na dapat na masayang ang mga bakuna alo’t pera ng mga Filipino ang ginamit na pambili rito.

“Allow the vaccines to be transported freely and safely. I am asking you now to observe that rule because that is for the Filipino people. As I have said, the money belongs to the Filipino people. It credits — the credit goes to no one. Sa inyo ito mga taong Pilipino, pera ninyo ito,” ayon pa sa  Pangulo.

Pinangangambahan  na maulit ang ginawa ng rebeldeng grupo kung saan tinangay ang perang ipamamahagi sana sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“So natural lang na kayong mga members ng Communist Party of the Philippines and the allied, NPA, NDF or whatever, kindly observe the rules of humanity. Hindi naman kailangan natin ano ‘yan eh. Baka maulit kagaya itong ‘yung mga pera, ‘yung mga Pantawid na pag-deliver ini-intercept ninyo,” dagdag  ng Chief Executive. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.