DUTERTE UNANG BABAKUNAHAN

DAHIL isa nang senior citizen, kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga unang babakunahan laban sa COVID-19, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Sa press briefing ay sinabi ni Roque na ang pagboluntaryo ng 75-anyos na Pangulo ay upang palakasin ang loob ng publiko gayundin na maging tiwala sa massive immunization program ng pamahalaan.

“The President will enjoy priority because he is a senior citizen,” ayon pa kay Roque.

Batay sa priority list ng pamahalaan, ang senior citizen na nasa edad 60 pataas ang ikalawang batch ng mga babakunahan dahil uunahin ang mga frontline workers sa mga health facility.

“Of course, it’s also important that he (President Duterte) be inoculated for the vaccine confidence. So, we’re expecting that he is one of the first (to be injected) – whether it is done publicly or privately, will be his decision,” paliwanag pa ni Roque.

Samantala, hindi naman nilinaw ni Roque kung kabilang sa prayoridad ang pamilya ng Pangulo subalit sa record aniya, tatlong anak ng Presidente Duterte ay pawang public officials, at sakali mang maunang magpabakuna ang mga ito ay magiging modelo na lamang para mapalakas ang kompiyansa ng publiko sa sa bakuna.

Wala pa rin naman aniyang petsa kung kailan ang unang vaccination dahil wala pa naman sa bansa ang bakuna. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.