DUTERTE WALA PANG TIME PARA IKAMPANYA ANG SENATORIAL CANDIDATES

HINDI pa rin kasama sa iskedyul ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsama sa kampanya ng kaniyang mga senatorial candidate.

Ayon kay Acting Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, abala pa rin sa trabaho ang Pangulo kaya wala itong libreng oras para sa kampanya.

Walong kandidato sa pagkasenador, at limang dating Cabinet members ang nakatanggap ng suporta mula sa Pangulo nang maghain ng kandidatura noong Oktubre.

Ilan sa mga ito ay sina Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Information and Technology Secretary Gringo Honasan III, Agrarian Reform Secretary John Castriones, Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica, Deputy Speaker Rodante Marcoleta at ang aktor na si Robin Padilla. DWIZ882