WALANG cancer si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri makaraang makausap nito si Special Assistant to the President Secretary Christopher “Bong” Go na negatibo sa kanser ang Pangulo.
Si Zubiri ay kabilang sa Senate leaders na nakipagpulong sa Malakanyang na may kaugnayan sa legislative matters
Aniya, ‘benign’ ang resulta ng polyp na nakuha sa Pangulo
“So it’s not cancer. In other words, he has no cancer,” banggit ni Zubiri.
Sinabi pa ng senador na bakas ang kasiyahan sa mukha ng Pangulo maliban pa sa tuwang-tuwa ito ng makatabi si Senadora Loren Legarda
“Tuwang-tuwa siya na may katabi siyang magandang senadora at nangako siya kay Senador Loren Legarda na ikakampanya raw siya sa Antique,” dagdag pa ni Zubiri.
Nabatid na plano ni Legarda na tumakbong kongresista sa Antique sa pagtatapos ng kanyang termino bilang senadora. VICKY CERVALES
Comments are closed.