WALANG binibitiwang ano mang pangako si Pangulong Rodrigo Duterte na babawiin ang West Philippine Sea sa China.
Ayon sa Pangulo, wala rin siyang binibitawang pangako na ipi-pressure ang China noong panahon ng pangangampanya para sa halalan 2016.
Sinabi nitong seryoso ang usapin ng West Philippine Sea na kailangan ang diplomatikong pag-uusap.
Trabaho na umano ng Department of Foreign Affairs na makipag-usap sa China kaugnay sa West Philippine Sea.
“I never, never in my campaign as president promised the people that I would retake the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China. I never mentioned about China and the Philippines in my campaign because that was a very serious matter. We need to have a diplomatic talkatise diyan. Eh hindi ako diyan — nandiyan sa ating Foreign Affairs, trabaho nila ‘yan,” pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na bagama’t may mga barkong pangdigma ang Filipinas, mas makabubuti kung manatili muna ang mga ito.
“I never… Kayo, you pretended to work on it. Ako, wala kasi wala naman akong — I never promised anything. Just because I’m President gusto ninyo makipag-away ako. Walang kuwestiyon ‘yan. Maski ngayon mayroon tayong barko diyan ngayon sa ano. Sabi ko stay put kayo,” pahayag ng Pangulo.
Matatandaan na noong 2016 presidential elections, nangako ang Pangulo na magje-jetski siya papuntang Spartlys sa West Philippine Sea bitbit ang watawat ng Filipinas.
890777 852620I adore foregathering valuable info, this post has got me even far more information! . 898268
201556 464242 very nice post, i undoubtedly love this site, keep on it 911127
1182 348452Hello! Nice post! Please do keep us posted when we can see a follow up! 108846