DUTERTE WALANG MAKAPIPIGIL

BINIGYANG-DIIN  ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na walang makakapigil kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa pagtakbo sa Senado, lalo na pagdating sa “national interest matters.”

“I think he’s open to any possibility. Open siya. But ‘yun nga lang, kino-consider ko rin ‘yung kanyang edad na dapat papahinga na siya but then again, you cannot stop him, lalung-lalo na when it comes to national interest matters,” sinabi ni Dela Rosa nang tanungin kaugnay ng anunsyo ni Vice President Duterte na tatakbo sa Senado ang tatlong Duterte.

Sinabi ni Dela Rosa na nakausap niya ang dating pangulo dalawang linggo na ang nakararaan, subalit, hindi pa nila napag-usapan ang mga bagay na ito.

Nauna nang ibinunyag ng Bise Presidente na ang dating pangulo na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Davao City First District Representative Paolo Duterte ay tatakbo para sa Senate seats sa 2025 midterm elections.

Ipinunto ng senador na walang pagbabawal sa tatlong Duterte na magkasabay na tumakbo sa Senado.

“There is no prohibition to that, anybody [can run]… Anybody who is eligible and qualified to run to the Senate is welcome. Posibleng mangyari ‘yan.”
LIZA SORIANO