DUTERTE WORK FROM HOME

DUTERTE41

WORK from home sa Davao City  si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni  Presidential Spokesperson Harry Roque na maliban sa layong makasama ang pamilya habang nasa Davao City ay titingnan din ng Pangulo ang sitwasyon sa Mindanao.

Magpapatuloy rin ang official functions ng Pangulo habang nasa Davao City.

Sa Huwebes nakatakda ang  pulong ng Pangulo sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) at ang kanyang public address ay gagawin din sa lungsod.

Magtutungo sa Davao City ang ilang miyembro ng IATF  para sa pulong kay Pangulong Duterte sa Huwebes.

Araw ng Sabado  nang umuwi ng Davao City ang Pangulo.

Comments are closed.