DYIP, BEERMEN SA KRUSYAL NA SALPUKAN

PBA governor Cup

Mga laro bukas:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Columbian vs San Miguel

6:45 p.m. – Magnolia vs Ginebra

MAGSASAGUPA ang San Miguel Beer at Columbian sa krusyal na laro sa PBA Governors’ Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang salpukan ng Beermen at Dyip sa alas-4:30 ng hapon na susundan ng bakbakan ng Magnolia at Barangay Ginebra sa alas-7:30 ng gabi.

Kapwa target ng dalawang koponan na makabawi mula sa pagkatalo at ipagpatuloy ang kanilang kampanya na makapasok sa eight-team quarterfinals.

Para sa Beermen, ang panalo ay magpapalakas sa kanilang kampanya na tapusin ang 11-game eliminations na kasama sa top four at at makuha ang twice-to-beat advantage kontra lower-ranked opponent sa susunod na round.

Nais lamang ng Dyip na makalagpas sa elims at lalapit sa layunin nito sa sandaling makumpleto ang season dominance sa San Mguel, na kanilang tinalo kapwa sa Philippine at Commissioner’s Cups.

Subalit hindi nakasisiguro si coach John Cardel sa pagkakataong ito.

“Iyong mga nauna naming panalo sa kanila came early in the tournament, nung may mga hangover pa sila sa championship, hindi pa sila masyadong buo,” paliwanang niya.

“Iba ngayon,” dag­dag ni Cardel. “Ang ganda ng umpisa nila, nag-4-0, tapos halos midway in the tournament na.”

Inaasahang muling pangungunahan nina Khapri Alston at top rookie CJ Perez ang Columbian, subalit dapat ding tutukan si Rashawn McCarthy.

Samantala, kinuha ng Talk ‘N Text si Mike DiGregorio mula sa Blackwater kapalit ni Brian Heruela sa isang trade na inaprubahan ng PBA Commissioner’s Office kahapon. nitong Sabado.

Si Digregorio ay maglalaro sa kanyang ikalawang koponan magmula nang hugutin 35th overall ng Mahindra sa 2015 Draft, habang magiging homecoming ito ni Heruela sa koponan na kumuha sa kanya 26th overall sa 2014 Draft.