DYIP DISKARIL SA FUEL MASTERS

Mga laro ngayon:

DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga

12:30 p.m. – Magnolia vs Rain or Shine

3 p.m. – NLEX vs TNT

6 p.m.- San Miguel vs Ginebra

BALIK sa porma ang Phoenix Super LPG makaraang madominahan ang Terrafirma, 96-84, Huwebes sa PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nagbuhos si Jason Perkins ng game-high 28 points habang nagdagdag si Vic Manuel ng 18 points mula sa  bench para sa Fuel Masters na uma-bante ng hanggang 18 puntos kontra Dyip na naputol ang tatlong sunod na panalo.

Nagtuwang din sina Matthew Wright at Michael Calisaan ng 24 points para sa Phoenix na isinantabi ang 76-94 pagkatalo sa NLEX noong nakaraang Biyernes at umangat sa 3-5 record overall.

“We were just executing, playing basketball like we do,” sabi ni Perkins na nagpasabog ng 20 sa kanyang mga puntos sa first half pa lamang, upang pantayan si Manuel para sa pinakamaraming puntos sa isang half ngayong conference. Naitala ni Manuel ang record sa 101-93 panalo kontra dating koponan na Alaska noong nakaraang July 24.

“We have a great offense,” dagdag ni Perkins, na naipasok ang 10 sa kanyang 17 tira. “(Assistant) coach Jon (Jacinto), he runs a great offense and we’re just doing it, moving the ball around, executing and passing the ball to the open man.”

Ikinatuwa ni head coach Topex Robinson ang 37-of-78 na naitala ng kanyang koponan mula sa floor at ang 51-39 rebounding advantage nito.

“They (Dyip) beat San Miguel, they beat Ginebra, they beat Blackwater. That means they’re really here on a mission,” ani Robinson.

“We just respected the team. We know that if we’re not gonna give our best basketball that’s a recipe for a loss for us.”

Nanguna si Aldrech Ramos na may 13 points para sa Terrafirma, na nabigong maduplika ang franchise-best streak nito sa 2016 Governors’ Cup kung nagsimula ito sa 4-0.

Nagdagdag sina Roosevelt Adams, Joseph Gabayni at Eric Camson ng tig-11 points habang gumawa si McCarthy ng 10 points para sa Dyip.

Sa ikalawang laro ay pinangunahan ni Robert Bolick ang 98-73 pagdispatsa ng NorthPort sa Blackwater Bossing.

Naitala ng Batang Pier ang ikalawang panalo sa limang laro habang nanatiling walang panalo ang Bossing sa walong asignatura.

Iskor:

Unang laro:

Phoenix (96) – Perkins 28, Manuel 18, Wright 15, Chua 9, Calisaan 9, Jazul 7, Banchero 4, Garcia 4, Pascual 2, Demusis 0, Rios 0, Faundo 0.

Terrafirma (84) – Ramos 13, Gabayni 11, Adams 11, Camson 11, McCrathy 10, Tiongson 8, Laput 4, Cahilig 4, Ganuelas-Rosser 4, Calvo 3, Batiller 3, Celda 2.

QS: 24-17, 48-47, 69-64, 96-84.

Ikalawang laro:

NorthPort (98) – Malonzo 17, Bolick 17, Ferrer 14, Slaughter 12, Anthony 9, Lanete 9, Onwubere 8, Taha 7, Balanza 2, Grey 2, Faundo 1, Subido 0, Elorde 0, Doliguez 0, Rike 0.

Blackwater (73) – Golla 14, Escoto 10, Cruz 9, Enciso 8, Desiderio 8, Daquioag 7, Torralba 7, Magat 5, Tolomia 5, Paras 0, Semerad 0, Dennison 0, Canaleta 0, Amer 0, Nabong 0.

QS: 25-20, 45-40, 75-53, 98-73. CLYDE MARIANO

6 thoughts on “DYIP DISKARIL SA FUEL MASTERS”

  1. 533907 681316Awesome material you fellas got these. I in fact like the theme for the website along with how you organized a person who. It is a marvelous job For certain i will come back and have a look at you out sometime. 259851

Comments are closed.