DYIP GINULANTANG ANG TROPANG GIGA

Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
5:00 p.m. – Phoenix vs NLEX
7:30 p.m. – NorthPort vs Magnolia

SUMANDAL ang Dyip kay Stanley Pringle upang gulantangin ang pinapaborang TNT, 84-72, sa PBA Governors’ Cup nitong Huwebes sa Ninoy Aquino Stadium.

Umiskor sa sari-saring drives at mula sa stripe, naitala ni Pringle ang 10 sa kanyang 18 points sa huling 5:48 ng laro na hindi lamang naging tuntungan ng Terrafirma upang mapigilan ang hamon ng TNT kundi nagbigay rin sa Dyip ng 79-70 kalamangan, may 1:39 sa orasan.

Naitala ng Dyip ang kanilang unang panalo sa siyam na laro, isang losing streak na nagpatalsik sa kanila sa karera para sa quarterfinals berths at tinampukan ng back-to-back one-point losses sa Magnolia at Converge sa kanilang mga huling laro.

Ang katotohanan na naglaro ang Terrafirma sa huling 6:55 na wala si import Antonio Hester, na nasaktan ang kaliwang siko sa agawan sa rebound, ang higit na nagpasaya kay coach Johnedel Cardel.

“It worked, ‘yung sinabi ko na takbuhan namin, and then the defense followed. All my players were dedicated on defense. I credit all my players,” sabi ni Cardel.

“Even though we were outnumbered – nine, 10 players lang naglalaro, iyon pa rin. We were still fighting, looking for a first win and we got it tonight.”

Dahil sa pananakit ng kaliwang tuhod, tila makakasama si Pringle sa injury list ng Terrafirma subalit sa halip ay naging bayani ng koponan.

“I was a little hurt in this game. My knee was acting up a little bit from all the games, back-to-back. Coach let me sit up for a while in the second half and just activate, do my mobility on the bench,” anang 37-year-old.

“The guys stepped it up and I just came in really at the end and played hard and we got the win.”

Sa kabila ng pagkatalo, ikalawa pa lamang sa siyam na laro, ay nanatili ang TNT sa liderato sa Group A papasok sa huling elimination round game kontra NorthPort sa Linggo.

Nanguna si Rondae Hollis-Anderson sa lahat ng scorers na may 25 points bukod sa 11 rebounds habang nagbuhos si Roger Pogoy ng 23 points, kabilang ang limang triples. Sa pananalasa ng dalawa, ang TNT ay lumamang pa sa 54-45 bago nanlamig.

Si Hester, tumapos pa rin na may 25 points at 10 rebounds, ang nanguna sa paghahabol ng Terrafirma mula sa 50-57 deficit sa fourth quarter, sa pag-iskor ng walong puntos sa 13-4 run na nagbigay sa Dyip ng kalamangan.
CLYDE MARIANO

Iskor:
TERRAFIRMA (84) – Hester 22, Pringle 18, Sangalang 10, Cahilig 8, Ramos 7, Hanapi 7, Hernandez 6, Olivario 2, Carino 2, Ferrer 2.

TNT (72) – Hollis-Jefferson 25, Pogoy 23, Oftana 5, Erram 4, Nambatac 3, Payawal 3, Varilla 3, Castro 2, Khobuntin 2, Williams 2, Heruela 0, Vosotros 0, Exciminiano 0.

QUARTERS: 15-18, 32-36, 50-57, 84-72