DYIP PINISAK ANG ROAD WARRIORS

TULAK ref ang sigaw ni Jake Pascual ng NLEX laban kay Aldrech Ramos ng Terrafima sa PBA on tour sa Ynares Pasig City. Kuha ni RUDY ESPERAS

 

Mga laro ngayon:

(Batangas City Coliseum)

5p.m. – NorthPort vs Ginebra

WALA sa bokabularyo ni Juami Tiongson na maliitin ang PBA On Tour, kahit na ang maikling torneo ay no-bearing.

Nagpasabog si Tiongson ng tournament-high 37 points upang pangunahan ang Terrafirma sa 110-96 panalo laban sa kulang sa taong NLEX nitong Biyernes sa Ynares Arena sa Pasig City.

Nagbigay ang mga tulad nina Gelo Alolino, Andreas Cahilig, Eric Camson at Allen Mina ng kinakailangang tulong, ngunit hindi maitatatwang si Tiongson ang pinakakuminang para sa Dyip.

“I always treat each game like it’s the playoffs, it’s the finals, kasi there was a time I wasn’t able to play. I don’t want to miss an opportunity like this,” sabi ni Tiongson, na kumalawit din ng 6 rebounds at nagtala ng 6 assists at 4 steals habang bumuslo ng 13- -of-26 mula sa floor, kabilang ang 7-of-13 mula sa deep.

“Credit to my teammates, I think they exclusively looked for me,” ani Tiongson. “They told me to be aggressive from the very start.

Even though I was missing shots they still put their trust and confidence in me.”

Umiskor si Don Trollano ng 20 points upang pangunahan ang NLEX, na muling naglaro na may siyam na players.

Nagdagdag si Kevin Alas ng 15 points, gumawa si Ben Adamos ng 13 points at 9 rebounds, nagposte sina Clint Doliguez at Jake Pascual ng tig-10 markers habang kumubra si Sean Anthony ng 9 points at 11 boards para sa Road Warriors na nahulog sa 1-4 kartada.

Malaki ang naitulong ng stocked arsenal na Terrafirma kung saan nag-ambag sina Alolino ng 14 points, Cahilig ng 13 points at game-high 14 rebounds at Mina at Camson ng tig-12 points.

Sa panalo ay umangat ang Dyip sa 2-3 marka.

CLYDE MARIANO