DYIP PISAK  SA HOTSHOTS

HOTSHOTS

Mga laro bukas:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Blackwater vs TNT

7 p.m. – Meralco vs Magnolia

 

NILAMPASO ng Magnolia ang Columbian, 126-101, at somosyo sa liderato sa Rain or Shine sa 4-1 kartada sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Ipinalasap ng Hotshots sa Dyip na dating Kia team ang ikatlong pagkatalo sa anim na laro upang malagay sa balag ng alanganin ang kanilang kam-panya sa torneo.

Umabante ang Hotshots sa 111-75  at nakipagpalitan ng puntos sa Dyip hanggang matapos ang laro upang palakasin ang kanilang kampanya sa tit-ulo.

Hindi na ibinalik ni Magnolia coach Chito Victolero ang kanyang import na si Vemon Macklin sa huling pitong minuto ng laro at hinayaan ang lo-cals, sa pamumuno nina Ian Sangalang at rookie Jio Jalalon, na tapusin ang laro.

Tumipa si Macklin ng 18 points sa 7 of 8 mula sa field at walong rebounds, habang lima pang players ng Hotshots ang nagtala ng double figures.

“I’m happy to the outcome of the game. Hopefully, they play this kind of game or even play better in our future games,” sabi ni Victolero.

Panay ang palit ng tao ni Columbian coach Ricky Dandan subalit hindi makahulma ng epektibong formula para mapigilan ang Magnolia na dinomina ang laro mula umpisa.  CLYDE MARIANO

Iskor:

Magnolia  (126) – Macklin 19, Sangalang 17, Lee 17, Barroca 17, Ramos 12, Jalalon 11, Dela Rosa 8, Abundo 7, Pascual 6, Herndon 5, Simon 2, Mendoza 2, Brondial 2, Reavis 0, Gamalinda 0.

Columbian (101) – Fields 22, King 19, McCarthy 12, Khobuntin 9, Tubid 9, Corpuz 8, Celda 7, Cabrera 6, Lastimosa 5, Cahilig 4, Gabriel 0, Yee 0, Ababou 0, Escoto 0.

QS: 37-18, 72-43, 97-71, 126-101

4 thoughts on “DYIP PISAK  SA HOTSHOTS”

Comments are closed.