NALUSUTAN ng Terrafirma ang pagkawala ng init ng laro ni Juami Tiongson upang gapiin ang Blackwater, 96-84, at mapanatili ang kanilang streak sa PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Gumawa lamang si Tiongson ng 10 points, 19.5 below sa kanyang average sa huling dalawang laro, ngunit pinangunahan nina Aldrech Ramos at Reden Celda ang iba pang Dyip na nag-step up at siniguro ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa unang linggo ng semi-bubble setup para sa 3-4 kartada sa kabuuan.
Naitala ni Ramos ang game-high 17 points at 9 rebounds habang kumamada si Celda ng personal conference-best 15 points bukod pa sa 6 boards at 4 assists.
Nag-ambag si Andreas Cahilig ng 12 points at 11 rebounds, lima rito ay mula sa offensive glass, habang nakalikom si Rashawn McCarthy ng 10 points at 4 dimes.
Labis ang kasiyahan ni Dyip coach Johnedel Cardel sa nilaro ng kanyang mga player na naging matatag at hindi nawalan ng loob sa kabila na nalamangan ng hanggang 13 points sa kaagahan ng laro.
“The other guys I know may ilalaro pa sila, like Red,” sabi ni Cardel. “And some other players nandiyan lang naman. I told them, ‘You have to play as a team. Tulungan natin si Juami na ma-open. ‘Pag hindi, he will be the one to act as decoy.”
Ang pagkatalo ay ikatlo ng Blackwater sa probinsya at ika-7 sa kabuuan.
Umiskor si Mike Tolomia ng 14 points, habang tumipa si Simon Enciso ng 13 at nagdagdag sina Ed Daquioag ng 12 points at Paul Desiderio at Baser Amer ng tig-11 points para sa Bossing.
Naitala ni Enciso ang 11 sa kanyang mga puntos sa first half na nagpakita sa tunay na laro ng Blackwater na lumamang sa 40-27 sa second quarter. Gayunman ay pinangunahan nina Celda at Ramos ang atake ng Terrafirma na bumasag sa huling pagtatabla ng laro sa 65.
Kumana si Celda ng siyam na puntos at nagdagdag si Ramos ng apat sa 26-5 run na nagbigay sa Dyip ng 91-73 bentahe, may 3:14 na lamang sa orasan.
“I know it will happen,” ani Cardel, patungkol sa kanyang koponan na maagang nalamangan.
“Sinabi ko nga, Blackwater they will show up with no pressure. They have great players, great coach,” dagdag ni Cardel. “But we stayed focused, we played defense, stayed patient kaya nakalayo kami.”
Sa ikalawang laro ay pinataob ng TNT ang Magnolia, 83-76. CLYDE MARIANO
Iskor:
Unang laro:
Terrafirma (96) – Ramos 17, Celda 15, Cahilig 12, Tiongson 10, McCarthy 10, Gabayni 9, Ganuellas-Rosser 9, Laput 4, Camson 4, Adams 3, Calvo 2, Batiller 1, Alolino 0, Balagasay 0.
Blackwater (84) – Tolomia 14, Enciso 13, Daquioag 12, Amer 11, Desiderio 11, Nabong 8, Cruz 4, Golla 3, Torralba 3, Dennison 2, Magat 2, Escoto 1, Paras 0, Semerad 0, Canaleta 0.
QS: 22-16, 43-39, 65-65, 96-84
Ikalawang laro:
TNT (83) – Castro 17, M. Williams 14, K. Williams 13, Pogoy 12, Rosario 11, Erram 9, Marcelo 4, Heruela 2, Reyes 1, Exciminiano 0, Khobuntin 0, Montalbo 0, Alejandro 0, Javier 0, Mendoza 0.
Magnolia (76) – Abueva 23, Lee 13, Sangalang 10, Barroca 10, Jalalon 9, Corpuz 5, Dela Rosa 4, Reavis 2, Brill 0, Melton 0, Ahanmisi 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0, Dionisio 0.
QS: 15-15, 35-32, 59-52, 83-76
346149 696149Extremely usefull weblog. i will follow this weblog. keep up the good function. 618514
49124 160807Hi there, i just thought i would publish and now let you know your sites style is really smudged within the K-Melon browser. Anyhow sustain in the extremely good work. 474364
35691 115495I believe this website contains some extremely very good information for every person : D. 120366
537502 406816This is a right weblog for would like to locate out about this topic. You realize a lot its almost challenging to argue along (not that I personally would wantHaHa). You truly put the latest spin with a subject thats been discussed for a long time. Great stuff, just great! 914936