DYIP TINAKASAN ANG FUEL MASTERS

Dyip

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m.- Alaska va Blackwater

7 p.m.- Ginebra vs Rain or Shine

BALIK sa winning track ang  Columbian matapos na maitakas ang 106-104 panalo laban sa  Phoenix sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Nanguna sina import  Khapri Alston at  CJ Perez, katuwang si Rashawn McCarthy nang putulin ng Dyip snapped ang two-game skid upang umangat sa 4-4 para sa No. 6 spot.

Tumapos si Alston na may 30 points, 19 rebounds, 4 steals, at 3 blocks, tampok ang kanyang turnaround jumper na nagbigay sa  Columbian ng 104-94 bentahe, may  1:22 ang nalalabi sa fourth quarter.

Gayunman ay hindi nawalan ng loob ang Fuel Masters at tinapyas ang kalamangan sa apat na puntos mula sa  tatlong sunod na baskets nina import Alonzo Gee, Alex Mallari, at RJ Jazul.

Subalit naipasok ni McCarthy ang pares ng free throws na nagpalobo sa kanilang kalama­ngan sa anim na puntos, wala nang 30 segundo sa orasan.

“They refused to fold up in the face of late rally of Phoenix. They really wanted to win. All contributed to the victory. I praised them for their efforts,” sabi ni coach Johnedel Cardel.

Nagtala ng limang puntos sa unang tatlong quarters, kumana si McCarthy ng 11 sa kanyang 16 points sa payoff period at kumalawit ng 9 rebounds at nagbigay ng 3 assists.

Nagbuhos si Perez ng 25 points, 8 rebounds, at 4 steals.

Nagdagdag si Jackson Corpuz ng 18 points at 6 rebounds sa panalo.

Nagpasabog si Gee, naglaro para sa anim na NBA teams sa loob ng walong seasons, ng  45 points, 9 rebounds, 6 steals, at.  2 blocks, subalit hindi ito sapat upang bumagsak amg Phoenix sa 2-5.

Nagdagdag si Perkins ng  20 points, habang gumawa si Mallari ng 11 points. CLYDE MARIANO

Iskor:

Columbian (106) – Alston 30, Perez 25, Corpuz 18, McCarthy 16, Cahilig 7, Tiongson 4, Calvo 4, Khobuntin 2, Agovida 0, Camson 0, Celda 0, Faundo 0.

Phoenix (104) – Gee 45, Perkins 20, Mallari 11, Gamboa 8, Marcelo 6, Jazul 6, Napoles 3, Chua 2, Kramer 2, Garcia 1, Potts 0.

QS: 28-20, 54-42, 74-76, 106-104.

Comments are closed.