DYIP YUPI SA FIBERXERS

Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
5:15 p.m. – NorthPort vs Meralco
7:15 p.m. – Rain or Shine vs TNT

SUMANDIG ang Converge kina Maverick Ahanmisi at Mike Digregorio upang maitakas ang 97-84 panalo kontra Terrafirma sa PBA Philippine Cup kahapon sa Mall of Asia Arena.

Naitala ni Fil-Nigerian Ahanmisi ang 14 sa kanyang 17 points sa fourth quarter habang nagdagdag si Fil-Italian Digregorio ng 12 sa kanyang 19 nang kumawala ang FiberXers sa 12th at huling deadlock ng laro sa 72-all at papasok sa runaway finish.

Nagposte rin sina David Murrell (15 points), Taylor Browne (10 points) at Tyrus Hill (nine points) ng bagong career highs habang kumamada si Justin Arana ng double-double na 10 at 12 rebounds para sa FiberXers na umangat sa 3-2 record overall habang nanatiling walang panalo ang Dyip matapos ang apat na simula.

Ayon kay Converge coach Jeff Cariaso, ang motibasyon ng kanyang tropa ay nagmula sa respeto nito sa katunggali.

“With a game like this we wanted to come in understanding that they are a lot better than their record,” ani Cariaso.

“Terra’s a tough team,” dagdag ni Cariaso. “They’ve a couple of injuries… but we know how good they can be with the remaining guys they have.”

Pinuri rin ni Cariaso ang kanyang mga player sa pag-outrebound sa Dyip, 53-46, na umayon sa kanilang overall plan.

“We wanted to focus just on the defensive end,” ani Cariaso. “We wanted to win that (rebound) category.

We feel like if we win that category that will always give us a chance. That’s where we focused on tonight.”

Tumipa si Joseph Gabayni ng 18 points at 7 boards para pangunahan ang Terrafirma habang nagdagdag sina Aldrech Ramos, Juami Tiongson at Eric Camson, nagbalik mula sa back injury na naging dahilan ng pagliban niya sa 74-97 pagkatalo sa Meralco noong nakaraang Sabado, ng hindi bababa sa 13 points bawat isa. CLYDE MARIANO

Iskor:
Converge (97) – DiGregorio 19, Ahanmisi 17, Murrell 15, Arana 10, Browne 10, Hill 9, AMbohot 8, Adamos 4, Ilagan 3, Stockton 1, Bulanadi 1, Lojera 0, Tolomia 0.
Terrafirma (84) – Gabayni 18, Ramos 15, Tiongson 13, Camson 13, Munzon 10, Balagasay 6, Calvo 4, Mina 3, Gomez de Liano 2, Cahilig 0.
QS: 17-21, 43-42, 63-62, 97-84