(E-cigarette harmless kaysa tobacco) LESS NICOTINE PUWEDENG PANLABAN SA COVID-19 –CONSUMERS’ GROUP

Vape and E-cigarettes

LUMABAS sa pag-aaral ng Assistance Publique-Hôpitaux de Paris at sa Pasteur Institute sa France na ang mga taong may kaunting ni-kotina sa katawan ay maaaring malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

“Our cross-sectional study strongly suggests that those who smoke every day are much less likely to develop a symptomatic or severe infection with Sars-CoV-2 compared with the general population,”  bahagi ng findings ng mga researchers.

Dahil dito, nanawagan naman ang  Nicotine Consumers Union of the Philippines (NCUP) sa Department of Health  (DOH) at mga mambabatas na maging bukas ang isipan upang alamin kung paano mababawasan ang peligro na dulot ng nicotine at hindi lamang sa masamang epekto nito.

Ayon kay NCUP President Antonio Israel, nosyon o stigma na ang nicotine ang masama sa kalusugan.

Gayunman, iginiit ni Israel na may paraan naman para mabawasan ang masamang epekto ng nicotine at ito ay ang paggamit ng e-cigarette sa halip na tobacco smoking na nag-iiwan ng tar.

Paliwanag ni Israel, hindi naman ang nicotine ang nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan kundi ang tar at gases kaya dapat aniyang ituwid ang impormasyong ipinararating sa publiko.

“People should stop fear-mongering on nicotine and instead look at it through objective, science-informed eyes. It is not the nicotine that causes serious harms, but the tar and poisonous gases produced by combustible cigarettes,” ayon kay Israel.

Sa ilang ulat, marami nang nagtakang tumigil manigarilyo subalit hinahanap ng kanilang katawan ang nicotine kaya naman inirekomenda ang e-cigarette.

Kumbinsido rin ang grupo na nakatutulong din ang pagkakaroon ng kaunting nicotine sa katawan para labanan ang COVID-19.

Samantala,  nasabing pag-aaral, idiniin ng researchers  na hindi nila ini-encourage ang mga tao na manigarilyo, at ang nais nilang ipunto ay ay maaaring mapigil ng nicotine ang virus  na makararing sa bodycells  at maaaring mapgil ang pagkalat nito sa katawan.

“Nicotine may also dampen the overreaction of the body’s immune system, which has been found in the most severe COVID-19 cases,” ayon kay French neurobiologist, Dr. Jean-Pierre Changeux. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.