SINISISI ng American Airlines sa electronic cigarette ng isang pasahero ang sumiklab na maliit na sunog sa flight nito mula sa Las Vegas patungong Chicago.
Sinabi ng tagapagsalita ng American Airlines na si Leslie Scott, nag-overheat ang baterya ng e-cigarette ilang sandali lamang nang lumapag ang Flight 168, Biyernes ng gabi.
Wala namang nasugatan sa sumiklab na sunog.
Ipinagbawal na ng U.S. Transportation Department ang e-cigarettes sa mga checked bag dahil sa posible itong pagmulan ng sunog.
Maaari itong ilagay sa carry-on bag ng mga pasahero at hindi maaaring gamitin pagsakay ng eroplano. AIMEE ANOC
Comments are closed.