E-COMMERCE NG PINAS TULOY SA PAGLAGO

MALAKAS  ang loob ng Lazada Philippines Chief Executive Officer (CEO) Carlos Barrera sa patuloy na matatag na paglago ng e-commerce ng Pilipinas sa 2022 at sa mga darating na taon.

Sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Cafe kamakailan sinabi ni Barrera na nakikita ang dynamic na co-existence ng mga online na benta.

Lumagda ang Lazada Group at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagtutulungan upang isulong ang Philippine e-commerce at pag-unlad ng bansa.

Ang FFCCCII ay samahan ng 170 Filipino Chinese chambers mula sa Aparri hanggang sa Tawi Tawi.

Lumagda rito sina Lazada Phil. CEO Carlos Barrera, Lazada Group Senior Vice-President Daryl Teo, FFCCCII President Dr. Henry Lim Bon Liong, FFCCCII Vice-President Jeffrey Ng, FFCCCII Vice-President Joey Go, FFCCCII Board members Frank Co Kin Hung, Reynold Siy, George Cham at Wilson Lee Flores.

Inianunsiyo rin ni Trade and Industry (DTI) Asst. Secretary Jean Pacheco ang mga inisyatiba ng gobyerno para suportahan ang e-commerce, himukin ang micro and small entrepreneurs.

Parehong nagpahayag ng suporta sina Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Honorary Chairman Sergio Luis-Ortiz, Jr. at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) President Dr. Henry Lim Bon Liong sa mabilis na pag-unlad ng e-commerce na magandang balita para sa pagpapalawak ng micro, small and medium-scale enterprises (MSMEs) sa Pilipinas at ang patuloy na paglago ng ekonomiya.

Isa sa mga nangungunang retailer ng Lazada, si Kim Lato ng Kimstore ay ibinahagi ang kanyang kwento ng tagumpay at binanggit ang iba’t ibang estratehiya bilang online entrepreneur. Nagpahayag din si Lato ng optimismo tungkol sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas at ang patuloy na paglago sa online sales.