e-FORMULA SAGOT SA MATAAS NA KONSUMO NG KORYENTE

Charlie Fernando

ISANG malaking tulong ang produkto ng e-Formula Technologies, Inc para mabawasan ang mataaas na konsumo sa koryente sa malalaking kompanya.

Ayon kay Charlie Fernando, Presidente ng CLIXLogic, Inc na silang distributor ng nasabing produkto na ang pinagmamalaki ng e-Formula ay ang pagkakaroon nito ng Energy Management System (EMS) kung saan ay kaya nitong pababain ng hanggang 50% ang power consumption ng centralized airconditioning system.

Ani Fernando, ilang malalaking kompanya sa bansang Taiwan ang gumagamit na ng e-Formula at matapos na ma-install ang nasabing produkto ay bumaba ng 40 hanggang 50 porsiyento  ang kanilang bayarin sa koryente.

Sa Filipinas naman, sinabi ni Fernando na ang Landing station ng kompanyang Telstra sa Na­sugbu, Batangas ang nakabitan na ng e-Formula na ngayon ay apat na buwan ng naseserbisyuhan at nasa 50% ang ibinababa ng kanilang konsumo sa koryente.

Bukod dito, isa pang produkto ang ini-introduce, ang  E-Sense na kung saan ay minomonitor nito ang paggalaw ng lupa at made-detect kung may paglindol na magaganap.

Ang E-sense ay isang alarm system na isa kinakailangang requirement para sa pagpapatayo ng isang gusali alinsunod na rin sa mandato ng Deparment of Public Works and Highways (DPWH).