INILUNSAD ng Bureau of Immigration (BI) ang limang electronic gate facility (E-Gates) sa Cebu at Davao airports upang madaling makalabas sa airport ang mga paparating na Filipino travelers.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sa limang E-Gates tatlo ang inilagay sa Mactan International Airport at dalawa sa Davao International Airport para maiwasan ang mahabang pila papalabas ng airport.
Napag-alaman na lalagyan na rin ng E-Gates ang Clark at Kalibo International Aiport bago matapos ang taong ito bilang an-tisipasyon sa darating na travel peak season.
Dagdag pa ni Morente na ang E-Gates ay target gawing operational sa mga nabanggit na mga airport bago dumating ang Kapa-skuhan kung saan mas maraming pasahero ang dumarating at umaalis ng bansa.
Napag-alaman na sa initial stages, mga pasaherong Pinoy lamang na mayroong readable machine-passports ang makagagamit sa E-Gates kabilang ang minor children, senior citizens, at handicapped travelers.
Matatandaan na ang E-Gates project ay unang inilunsad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa nakalipas na tat-long buwan upang mabawasan ang mahabang pila sa paliparan.
Dahil dito ay nabawasan ang standard immigration processing time sa bawat pasahero ng 8 to 15 segundo mula sa average time na 45 segundo.
Bukod sa mabilis na processing ng E-Gates, pangalawang layunin nito ay upang madaling ma-pinpoint o malaman ang mga pasahero na mayroong derogatory records, wanted fugitives, at maging ang mga blacklisted at may hold departure order (HDO).
Ang E-Gates na ito ay may nakalagay na modern security features, kasama na rito ang facial recogni-tion, biometric scanning, bar code reading, at smart card recognition. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.