DAHIL sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Christmas season, inilunsad na ng Bureau of Immigration ang kanilang electronic gates (E-gates) sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Layunin nito na mabawasan ang mahabang pila sa immigration counters ngayong holiday rush.
Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, gagawin muna ito sa NAIA 2 immigration departure area.
Nauna nang ipinatupad ang paggamit ng E-gate system noong nakaraang taon sa immigration arrival areas ng NAIA terminal 3 at international airports sa Mactan-Cebu, Davao, at Clark.
Ayon kay Morente, malaking tulong ang E-gates na mabawasan ang sobrang haba ng pila sa immigration counters.
Maglalagay rin ang service provider ng dalawang E-gates at biometric machines sa NAIA terminal 2 na para lamang sa mga overseas Filipino workers crew ng Philippine Airlines (PAL).
Sa kabila nito ay sasailalim pa rin sa regular na immigration inspection ang mga pasahero.
Pinag-aaralan na rin ng BI ang posibleng pagpapagamit ng E-gates sa mga permanent residents at iba pang ACR-i cardholders.
Comments are closed.