E-GOVERNANCE IPRAYORIDAD

HINIMOK ni Senador Christopher ‘Bong’ Go  ang  gobyerno na i-prayoridad ang  transition  sa E-governance para mas mapadali ang  serbisyo sa publiko at maging mas episyente sa pagtugon sa mga pangangailangan ng  sambayanan sa gitna ng nagbabagong takbo ng panahon bunsod ng  COVID-19 pandemic.

Ipinaliwanag ni Go na sa gitna ng  pandemic ay may mga proseso sa gobyerno  na puwedeng maisaayos gamit ang  makabagong teknolohiya  kung saan karamihan sa pang-araw-araw na transaksiyon ay kailangan nang mag-evolve.

Sinabi ni Go na ang mga mahabang  pila  at appointment sa   government agencies, financial institutions at iba pang  public offices ay naka­daragdag sa pagkalat ng  pandemic.

Matagal nang rek­lamo ng marami  ang lumang sistema ng kalakaran sa gobyerno gaya na lamang ng pag-abot ng ilang araw sa pagkuha  ng simpleng lisensiya o permit na kailangan pa ng pisikal na pumila sa opisina ng  gobyerno.

Binigyang diin ng senador na sa pamamagitan ng  E-government ay maiiwasan na rin ang  red tape at maiiwasan ang iba pang uri ng korupsiyon na isa sa mga pinatututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mawala sa mga tanggapan ng  gobyerno.

Sa ilalim ng   E-Governance ay gagamitin ang  information and communications technology para  ma-establish at ma-promote  ang mas mabisa at cosy-effective government  na magiging mas madali sa publiko.VICKY CERVALES

Comments are closed.