LUBHANG inaasahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang bagong batas na naglalayong magbigay ng mas malawak na proteksiyon at epektibong pangangalaga sa mga natitirang protected areas (PAs) sa bansa.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, ang pagpapatupad ng Republic Act 11038 o Expanded National Integrated Protected Areas System (E-NIPAS) Act of 2018, ay inaasahang magpapalakas sa pagsisikap na mapangalagaan ang mayamang biological diversity at ecosystems ng bansa.
Ang E-NIPAS Act, na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo, ay naglalagay ng 94 PA sa buong bansa sa ilalim ng pamamahala at proteksiyon ng pamahalaan.
Paliwanag ng Environment secretary, kailangang itago ang mga endemic species upang sila ay maging ligtas at malayang yumabong. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.