E-PAINTERS, FUEL MASTERS MAGPAPALAKAS

Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
3 p.m. – Phoenix vs Rain or Shine
5:45 p.m. – San Miguel vs NorthPort

ASAHAN ang umaatikabong bakbakan sa salpukan ng dalawang youth-laden teams sa katauhan ng Rain or Shine at Phoenix Super LPG sa PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Ynares Center sa Antipolo.

Nakatakda ang sagupaan ng Elasto Painters at Fuel Masters sa alas-3 ng hapon.

Ang basagin ang kanilang pagtatabla sa 3-3 para palakasin pa ang kanilang kampanya para sa isang playoff spot ay isa lamang sa mga target ng Elasto Painters at Fuel Masters.

Pinutol ng tropa ni Rain or Shine chief tactician Yeng Guiao ang two-game slide sa 113-96 panalo kontra Meralco noong nakaraang Sabado.

“Alam mo, dadaan talaga ‘yung team sa ups and downs,” sabi ni Guiao matapos ang laro sa Bolts.

“We just want to test our character when we’re down, paano kami babangon. So nakita ko ‘yung mga bata matapang lumaban.”

Galing naman ang mga bataan ni Phoenix coach Topex Robinson sa 89-82 panalo kontra Meralco noong nakaraang linggo.

“We are just focusing on trying to get better,” aniya.

“We made a lot of mistakes in this game so rather than focus on the competition we’re just gonna keep on focusing on us,” dagdag ni Robinson. “We need to improve.”

Ang Fuel Masters ay bumangon mula sa 0-3 simula sa mid-season conference.

Sa ikalawang laro sa alas-5:45 ng hapon ay maghaharap ang San Miguel Beer at NorthPort.

CLYDE MARIANO