E-PAINTERS NAKAALPAS SA DYIP SA OT

rain or shine

Mga laro sa

Miyerkoles:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Phoenix vs NorthPort

7 p.m. – San Miguel vs Magnolia

 

BUMANGON ang Rain or Shine mula sa dalawang sunod na kabiguan makaraang matakasan ang Columbian Dyip,  88-86, sa overtime sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Batangas City Sports Complex.

Sumandal ang Elasto Painters sa game-winning shot ni rookie Rey Mambatac na gini­ba ang mahigpit na depensa ni import Lester Prosper.

Tumawag si coach Johnedel Cardel ng timeout at ikinasa ang huling game plan su­balit nawala ang bola kay Prosper at itinakas ng Elasto Painters ang ikatlong panalo sa anim na laro habang ipinalasap sa Car Makers ang ika-6 na kabiguan sa pitong laro.

Sa panalo ay lumakas  ang kampanya ng RoS sa quarterfinals kung saan  kailangan na lamang nitong manalo ng tatlo para umabante sa susunod na round.

Nagbida si Denzel Bowles para sa Elasto Painters sa kinamadang 29 points, 14 rebounds at 10 assists at itinanghal  na ‘Best Player of the Game’.

Hindi gaanong ginamit ni coach Caloy Garcia si ace gunner James Yap subalit hindi ito naging hadlang para magwagi ang Rain or Shine.

Panalo na sana ang Columbian kung hindi sumablay ang side jumper ni top rookie CJ Perez.

“It was a hard earned victory. My players refused to fold in the end,” sabi ni coach Garcia.

Pinutol ng Elasto Painters ang four-game losing streak laban sa Columbian franchise.

CLYDE MARIANO

Iskor:

Rain or Shine (88) – Bowles 29, Ponferada 10, Nambatac 10, Daquioag 9, Mocon 8, Norwood 8, Belga 5, Rosales 4, Yap 3, Torres 2, Bor-boran 0.

Columbian (86) – Prosper 26, McCarthy 15, Perez 12, Corpuz 11, Khobuntin 8, Camson 5, King 4, Cahilig 2, Calvo 2, Celda 1, Agovida 0, Reyes 0, Escoto 0, Faundo 0.

QS: 22-27, 44-39, 62-62, 81-81, 88-86.

Comments are closed.