Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
5 p.m. – Meralco
vs Converge
7:30 p.m. – Ginebra
vs Magnolia
HINDI pinaiskor ng Rain or Shine ang Terrafirma sa five-minute stretch ng fourth quarter upang maitakas ang 124-112 panalo sa PBA Commissioner’s Cup nitong Linggo sa Philsports Arena.
Bumanat ang Elasto Painters ng 8-0 run sa scoring drought ng Dyip upang ipagpag ang Terrafirma side na kinontrol ang laro sa likod ni Louie Sangalang.
“It was good to win four straight games before Christmas, before the New Year,” sabi ni coach Yeng Guiao.
Umangat ang Rain or Shine sa 4-1 kartada habang nanatiling walang panalo ang Terrafirma sa pitong laro.
Tumapos si Adrian Nocum na may 21 points, 17 dito ay naitala niya sa second half, kabilang ang isang three-pointer na naglayo sa kanila sa Terrafirma, 120-110, sa huling 1:22 mark.
Nasupalpal din ng high-flying sophomore si Terrafirma import Brandon Lee Edwards sa naturang run na nagsalba sa ROS mula sa malaking upset.
CLYDE MARIANO
Iskor:
RAIN OR SHINE (124) – Thompson 23, Nocum 21, Caracut 15, Santillan 11, Aistio 10, Malonzo 8, Clarito 7, Datu 7, Lemetti 6, Tiongson 6, Escandor 5, Norwood 2, Ildefonso 2, Belga 1, Demusis 0
TERRAFIRMA (112) – Edwards 26, Sangalang 21, Paraiso 16, Manuel 12, Hernandez 9, Melecio 7, Catapusan 7, Nonoy 7, Pringle 3, Olivario 2, Ramos 2, Ferrer 0
QUARTERS: 28-37, 66-62, 98-65, 124-112