Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Rain or Shine vs Columbian
7 p.m. – Magnolia vs Phoenix
PINALAKAS ng Talk ‘N Text ang kanilang tsansa sa playoffs kasunod ng malaking panalo laban sa Rain or Shine, 100-92, sa PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo.
Kinontrol ng Tropang Texters ang laro at lumamang sa 72-56 sa free throw ni Jericho Cruz at tinapos ang third quarter na abante sa 75-65.
Ipinoste ng TNT ang ikaapat na panalo sa pitong laro at hinila ang RoS sa ikalawang puwesto na may 7-2 kartada.
Nagbuhos si FIBA campaigner at Asian Games veteran Jayson Castro ng 20 points, 7 rebounds at 10 assists upang tanghaling ‘best player of the game’.
Maganda ang balasa ni coach Bong Ravena sa kanyang mga bataan na halos lahat ay nag-deliver ng kinakailangang mga pun-tos upang kunin ang impresibong panalo.
“They played well coordinated game. All of them, including my second unit contributed to the win. They stayed focused and composed until the end,” sabi ni Ravena.
“Hopefully, we will sustain this game and win more games as the tournament progresses,” sabi pa ni Ravena.
Walang tigil si RoS coach Caloy Garcia sa pagbalasa sa kanyang mga player subalit hindi makahulma ng epektibong formula para pigilin ang pananalasa ng Tropang Texters.
Nag-rally ang RoS sa huling tatlong minuto ng laro subalit kinapos ang Elasto Painters at naitakas ng TNT ang panalo.
“We couldn’t find our rythym. We missed many shots and made poor shots selection,” pailing na sinabi ni Garcia matapos na mabigong kunin ang ika-5 sunod na panalo. CLYDE MARIANO
Iskor:
TNT (100) – Castro 20, Rosario 20, Cruz 15, Reyes 10, Trollano 7, Washigton 6, Taha 6, Heruela 6, Williams 5, Semerad 3, Carey 2.
Rain or Shine (92) – Yap 18, Ahanmisi 14, Daquioag 11, Alejandro 11, Mocon 10, Ponferada 7, Rosales 6, Belga 6, Torres 3, Borboran 2, Maiquez 2, Nambatac 2, Norwood 0, Onwubere 0.
QS: 23-20, 56-39, 75-65, 100-92
Comments are closed.