E-PAYMENT COLLECTIONS NG BIR MATAAS NG 92% SA 2019

E-PAYMENT

PUMALO sa P1.2-B ang tax payments  na nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamamagitan ng electronic channels noong 2019, o mataas ng 92 porsiyento  mula sa P626.35 milyon  noong 2018.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, umakyat ang bilang ng electronic tax payments sa 446,753 transactions noong nakaraang taon, o 60% mula sa 278,602 transactions na nagawa sa pamamagitan ng e-channels noong 2018.

Sa taong 2020, kabilang sa target ng BIR ay mas simplehan pa ang kanilang paper application forms at bawasan ang processing time bilang ng documentary requirements at signatories para sa mga taxpayer para mapaganda  ng   kagawaran  ang  paghahatid ng  serbisyo at makatulong sa pagpapatupad ng  “ease of doing business”.

Para naman kay  Finance Undersecretary Antonette Tionko, head ng Revenue Operations Group (ROG) ng Department of Finance (DOF), ang shifting ng mahigit 15 million over-the-counter tax payment transactions sa PESONet ay nagrerepresenta sa mahigit 80% ng kabuuang bilang ng tax-payment transactions na prinoseso ng BIR sa kada taon.     VICKY CERVALES

Comments are closed.